Home METRO Kelot tiklo sa P13.6-M tobats sa CDO

Kelot tiklo sa P13.6-M tobats sa CDO

237
0

CAGAYAN DE ORO, Philippines – Arestado ang isang 41-anyos na lalaki sa Barangay Gusa, Cagayan de Oro City noong madaling araw ng Sabado, Disyembre 13, 2025, sa isang operasyon laban sa ilegal na droga.

Ayon sa Cagayan de Oro City Police Office (COCPO), tinukoy ang suspek bilang mataas na target sa ilegal na bentahan ng droga.

Nakuha mula sa kanya ang 17 sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang may bigat na dalawang kilo, isang Chinese tea bag, cellphone, digital weighing scale, at iba pa.

Ngayon, nakapiit na ang suspek at haharap sa kaso sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165).

Sinabi ni COCPO Director Col. Dexter Paje: “Ang malaking pag-aresto at pagkumpiska na ito ay patunay ng aming dedikasyon na alisin ang ilegal na droga sa Cagayan de Oro at protektahan ang ating komunidad. Patuloy naming makikipagtulungan sa PDEA upang hindi makapag-operate ang mga drug trafficker sa ating lungsod.” RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here