Home ENTERTAINMENT ASAP, posibleng umere sa GMA!

ASAP, posibleng umere sa GMA!

292
0

Manila, Philippines – Anything is possible.

Ganito rin daw ang aasahang scenario tungkol sa mga magiging kaganapan sa telebisyon in the weeks to come.

Dahil kasi sa natapos nang partnership sa pagitan ng ABS-CBN at TV5 ay posibleng magkaroon daw ito ng epekto sa ibang programa ng Kapamilya network.

As is now public knowledge, napakalaki ng atraso ng ABS-CBN sa TV5–ang nagsisilbing platform kung saan umeere ang llang mga palabas ng una.

Set to end ang kanilang partnership effective January 2, 2026.

Dahil dito, maugong ang usap-usapan na posibleng bukod sa It’s Showtime ay baka umere na rin ang ASAP Natin Ito sa GMA

Posible raw ang scenario na ito on two grounds:

Malinis o walang anumang pagkakautang daw ang ABS-CBN sa GMA as far as It’s Showtime is concerned.

Hindi nga raw ba’t ni-renew pa ang kontrata nito just when its hosts thought na mawawalan sila ng tahanan sa Kapuso network?

Ikalawang kunsiderasyon ay ang estado ng All Out Sundays, katapat ng ASAP Natin Ito.

Tinatalo kasi ito ng ASAP sa ratings.

Eh, kung tutuusin ay platform lang ito para sa mga lesser known GMA talents at masabi lang na may Sunday variety show.

Pero ayon sa llang nagtatanong mismo sa taga-GMA, walang gustong magsalita tungkol dito. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here