Home METRO 12 tripulante sa Sabangan Point, Zambales iniligtas ng PCG

12 tripulante sa Sabangan Point, Zambales iniligtas ng PCG

250
0

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng search and rescue operations ang Philippine Coast Guard (PCG) sa distressed fishing vessel sa bisinidad baybayin ng Sabangan Point, Subic, Zambales.

Ipinadala ng PCG ang BRP Cape San Agustin (MRRV-4408) kung saan inalalayan ang mga tripulante sakay ng FB Goldan (Bagito).

Sakay ng fishing vessel ang 12 crew kasama ang boat captain matapos makaranas ng engine trouble habang naglalayag.

Agad namang umalalay ang barko ng PCG at nagsagawa ng towing operations sa fishing vessel.

Binibigyang-diin ng operasyon ang hindi natitinag na pangako ng PCG na pangalagaan ang buhay at kapakanan ng mga mangingisdang Pilipino na naglalayag sa karagatan ng Pilipinas.

Binigyang-diin din nito ang dedikasyon, kahandaan, at kahusayan ng mga tauhan ng PCG sa pagtugon sa mga emerhensiyang pandagat. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here