Home NATIONWIDE DOJ: Ebidensya sa alegasyon laban kay VP Sara dapat isumite

DOJ: Ebidensya sa alegasyon laban kay VP Sara dapat isumite

260
0

MANILA, Philippines – Upang maberipika ang anumang alegasyon ay dapat umanong maihain sa Department of Justice ang lahat ng ebidensya kasama ang tamang reklamo, ayon kay DOJ spokesperson Atty. Polo Martirez kaugnay sa akusasyon ni Ramil Lagunoy Madriaga kay VP Sara.

Ayon kay Atty. Martirez, kung totoo — ito ay seryusong alegasyon at maberipika para sa pagsasagawa ng imbestigasyon para sa nararapat na kasong kriminal.

“These are serious accusations if true. However, all evidence must be filed with the DOJ to first be verified along with a proper complaint for us to initiate investigation into the appropriate criminal charges.”

Sa akusasyon at sinumpaang affidavit ni Madriaga, sinasabing pinondohan ng drug dealers at Philippine offshore gaming operators (POGOs) ang kampanya ni Vice President sara Duterte noong 2022 elections.

Malaking halaga ng cash umano ang ipinadala ng POGO sa Inday Sara Duterte Is My President (ISIP) movement na iniulat na tinulungan niyang ayusin kasama ang kaklase sa San Sebastian College of Law, kung saan nagtapos din umano si Madriaga.

Inorganisa ang ISIP noong alkalde pa ng Davao City si VP Sara. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here