MANILA, Philippines – Isang lone bettor ang nanalo ng P49.1 milyon jackpot prize sa Lotto 6/42 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes, Disyembre 16.
Ayon sa PCSO, natumbok ng mananaya ang winning combination na 15-19-24-41-42-05 na may jackpot na P49,195,100.40.
Samantala, wala namang nanalo sa iba pang major lotto games ng PCSO noong gabi ring iyon.
Hindi rin napanalunan ang P55.34 milyon jackpot ng Superlotto 6/49 at ang P49.5 milyon jackpot ng Ultra Lotto 6/58.
Ang Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado, habang ang Superlotto 6/49 ay tuwing Martes, Huwebes at Linggo, at ang Ultra Lotto 6/58 ay tuwing Martes, Biyernes at Linggo. RNT