Home NATIONWIDE P889-M pondo ng OVP, lusot na sa Bicam

P889-M pondo ng OVP, lusot na sa Bicam

277
0

MANILA, Philippines – Inaprubahan ng bicameral conference committee noong hatinggabi ng Martes ang panukalang 2026 budget ng Office of the Vice President (OVP) na nagkakahalaga ng P889.2 milyon.

Ang naturang halaga ay kapareho ng inilaan sa National Expenditure Program (NEP).

Nauna nang ibinaba ng Kamara ang panukalang badyet ng OVP sa P733 milyon matapos tumanggi si Vice President Sara Duterte na ipagtanggol ang badyet ng kanyang tanggapan sa mga pagdinig.

Tumanggi rin siyang sagutin ang mga tanong hinggil sa paggamit ng P625 milyong confidential funds mula 2022 at 2023, na aniya’y saklaw ng nakabinbing impeachment case laban sa kanya at maaaring makompromiso ang national security. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here