MANILA, Philippines — Tinuligsa ni Bicol Saro party-list Rep. Terry Ridon nitong Miyerkules ang tila banta sa cyber libel mula kay Pokwang (Marietta Subong) kaugnay ng viral na gulo sa kalsada ng kanyang kapatid na si Carlo Subong na nanapok ng magkakariton sa Antipolo City.
Ayon kay Ridon, mali ang sinabi ni Pokwang na inilabas umano ng isang solon sa online ang mga larawan ng buong pamilya niya.
“What were posted were photographs of Carlo Subong—the individual involved in the incident—whose actions constitute grave threats, physical injuries, and child abuse against Crispin Villamor and his daughter,” ani Ridon.
Giit ng solon na nararapat umanong malaman ng publiko ang pagkakakilanlan ng viral na lalaki.
Idinagdag niya na may karapatan ang publiko na malaman ang pagkakakilanlan ng gumawa ng krimen at sakop ito ng oversight ng Kongreso sa pampublikong kaligtasan at transportasyon.
“[I]t should be Carlo Subong—not Ms. Subong—who should apologize to the nation and to the aggrieved parties. It was Mr. Subong who consciously chose to commit grave threats, inflict physical injuries, and engage in acts of child abuse against Crispin Villamor and his daughter during the road rage incident,” giit pa ni Ridon.
Sinabi rin ni Ridon na permanenteng ire-revoke ang driver’s license ni Carlo Subong at isasampa ang mga kasong kriminal sa Department of Justice.
“Hindi kayo ang biktima dito. Ang biktima dito ay si Crispin at ang kanyang anak. Ang biktima dito ay ang mga ordinaryong Pilipinong inaabuso ng mga katulad ni Carlo Subong,” pagtatapos niya. RNT