Home NATIONWIDE Herbosa, siningil ni Sen. Raffy sa pangakong pagsibak sa FDA chief

Herbosa, siningil ni Sen. Raffy sa pangakong pagsibak sa FDA chief

297
0

MANILA, Philippines — Ipinapaalala ni Senador Raffy Tulfo noong Disyembre 15 kay Health Secretary Ted Herbosa ang kanyang pangako na tanggalin si FDA Director-General Paolo Teston, matapos matagumpay na maalis sa mga online platform ang mga iligal na ibinebenta na delikadong produkto na naka-lista sa FDA Public Health Warning Advisories.

Binanggit ni Tulfo na ang mga ipinagbabawal na produkto na mabenta sa Shopee, Lazada, at TikTok Shop ay kanyang ipinaalis sa loob lamang ng pitong araw ng trabaho.

“There is a need to cleanse the ranks of FDA, naka ilang palit na ang head diyan, and walang nagbabago. It seems that they have not found one with a stern hand and will to actually fix the system. It should be someone who could pull out the bad weeds in FDA. Because clearly there are bad weeds: inutil, tamad o corrupt,” ani Tulfo sa kanyang privilege speech.

“Again, we spend so much money on health to address the medical concerns of our people, I hope the government will not be the reason why people get sick. DOH Secretary Herbosa, make true your word, for the sake of the health of the Filipino People, demand the resignation of FDA Director-General Paolo Teston,” giit pa ng senador.

Matatandaang pinuna ni Tulfo ang FDA noong Oktubre 1 sa DOH budget hearing dahil sa patuloy na bentahan ng mga unregistered na produkto na delikado sa kalusugan, at tinanong kung bakit naglalabas ng health advisories ang ahensya kung hindi naman maipatupad nang maayos.

Hinamon niya si FDA Director-General Paolo Teston, na kung patuloy ang bentahan ng mga ipinagbabawal na produkto sa susunod na pagdinig, dapat magbitiw si Teston sa kanyang posisyon.

Noong Nobyembre 26, binanggit ni Tulfo na nananatiling available online ang mga produkto, kaya muling kinontra niya ang FDA sa pamamagitan ni DOH Secretary Ted Herbosa.

Tinanggap ni Herbosa ang hamon ni Tulfo, na pinangako niyang aalisin si Teston sa posisyon kung matatanggal ng senador ang mga produkto mula sa online platforms.

Matapos makipag-ugnayan ang staff ni Tulfo sa mga platform, 700 produkto ang na-takedown hanggang Disyembre 9, kabilang ang 373 sa Lazada, 189 sa Shopee, at 138 sa TikTok Shop.

Hinamon din ni Tulfo si Teston na magbitiw kung may natitirang hiya pa siya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here