Home NATIONWIDE P500-M ayuda sa allied health students, aprub ng Bicam sa 2026 budget

P500-M ayuda sa allied health students, aprub ng Bicam sa 2026 budget

302
0

MANILA, Philippines – Inaprubahan ng bicameral conference committee ang panukalang P500 milyong pondo para sa financial assistance ng mga estudyante sa allied health sciences programs sa ilalim ng 2026 national budget.

Iminungkahi ni Senador Paolo “Bam” Aquino IV ang dagdag na pondo na ilalaan sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng Higher Education Development Program upang tustusan ang gastusin sa Related Learning Experience (RLE), na mahalagang requirement sa pagtatapos ng mga kursong pangkalusugan tulad ng Nursing, Medical Technology, Pharmacy, at iba pa.

Ayon kay Aquino, maraming nursing students ang napipilitang huminto sa pag-aaral dahil sa mataas na gastos sa RLE. Aniya, ang subsidiya ay katumbas ng on-the-job training na kinakailangan bago makapagtapos.

Layunin ng financial assistance na mabawasan ang pasanin ng mga mag-aaral at kanilang pamilya, maiwasan ang dropout, at matiyak ang pagkumpleto ng clinical training. Isang beses na tulong-pinansyal ang ibibigay, na uunahin ang mga estudyanteng mula sa low-income families batay sa guidelines na ilalabas ng Commission on Higher Education (CHED).

Kasabay nito, inaprubahan din ng bicam ang P1.38 trilyong budget para sa sektor ng edukasyon—ang pinakamalaki sa kasaysayan—kabilang ang pondo para sa pagtatayo ng mga silid-aralan at School-Based Feeding Program. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here