Home HOME BANNER STORY Patamlay na local terror groups, pruweba na ‘di nagsanay Bondi beach suspects...

Patamlay na local terror groups, pruweba na ‘di nagsanay Bondi beach suspects sa Pinas

262
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi kapani-paniwala ang mga alegasyon na nagsanay sa Pilipinas ang dalawang suspek na iniuugnay sa pamamaril sa Bondi Beach sa Australia, dahil sa labis nang paghina ng mga lokal na teroristang grupo.

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., dumating sa Maynila noong Nobyembre 1 sina Sajid Akram at ang anak nitong si Naveed Akram bago nagtungo sa Davao City, at patuloy pang bineberipika ng mga awtoridad ang kanilang mga galaw.

Ani Brawner, hindi tugma sa kasalukuyang sitwasyon ng seguridad sa bansa, lalo na sa Mindanao, ang mga espekulasyon tungkol sa extremist training.

Mula sa 1,257 lokal na terorista noong 2016, bumaba na lamang sa humigit-kumulang 50 ang bilang ng mga ito ngayong 2025 bunsod ng tuloy-tuloy na operasyon militar at mga hakbang pangkapayapaan.

“That is why we do not see any basis for the claim that the two Bondi Beach gunmen trained here in the Philippines although the matter is still under study,” pahayag ni Brawner.

Dagdag ng AFP, wala nang naitalang terrorist training, recruitment o malalaking pag-atake mula 2016, habang bumuti rin ang seguridad sa BARMM at bumaba ang antas ng banta ng terorismo sa ilang bahagi ng Mindanao. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here