Home NATIONWIDE PNP, pinaigting seguridad para sa mga turista sa Kapaskuhan

PNP, pinaigting seguridad para sa mga turista sa Kapaskuhan

264
0

MANILA, Philippines – Pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang mga hakbang sa seguridad upang matiyak ang kaligtasan ng mga lokal at dayuhang turista na bumibisita sa bansa ngayong Christmas season.

Ayon kay acting PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., mas pinataas ang police visibility sa mga pangunahing tourist destinations kasabay ng pagdagsa ng mga bisita na nais maranasan ang mahabang at masayang pagdiriwang ng Pasko sa Pilipinas.

Sinabi ni Nartatez na seryosong tinutugunan ng PNP ang mga travel advisory ng ibang bansa, kabilang ang Canada, at nagsasagawa ng regular at real-time security adjustments lalo na sa mga high-risk areas.

Nakikipag-ugnayan din ang PNP sa mga lokal na pamahalaan, tourism offices, at community stakeholders upang mapanatili ang kaayusan at mabilis na pagtugon sa anumang insidente. Hinikayat din ang publiko at mga turista na maging mapagmatyag at agad i-report ang kahina-hinalang aktibidad sa pamamagitan ng mga opisyal na hotline at mobile applications.

Mahigit 100,000 pulis ang idineploy sa buong bansa upang tiyakin ang seguridad ng publiko ngayong holiday season. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here