MANILA, Philippines – Inihayag ng Bureau of Immigration (BI) na hindi pa bumabalik sa Pilipinas si dating Public Works Secretary Manuel Bonoan, sa kabila ng naunang pahayag niyang uuwi noong Disyembre 17.
Umalis si Bonoan ng bansa noong Nobyembre 11 patungong Estados Unidos upang samahan ang kanyang asawa para sa medikal na paggamot.
Kasama si Bonoan sa mga dating opisyal ng DPWH na inirekomenda ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na kasuhan kaugnay ng umano’y anomalya sa paggamit ng pondo para sa flood control.
Dati na niyang itinanggi ang anumang kinalaman sa naturang isyu. Dave Baluyot