Home NATIONWIDE Bong Go sa gobyerno: P200B ibigay sa PhilHealth

Bong Go sa gobyerno: P200B ibigay sa PhilHealth

327
0

MANILA, Philippines – MARIING nanawagan sa gobyernong Marcos si Senador Christopher “Bong” Go na ibigay ang talagang nakalaang pondo pondo para sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na nagkakahalaga ng P200 bilyon upang mapalawak ang sakop ng programang pangkalusugan at makasagip ng buhay ng maraming mamamayan.

Ayon kay Go, hindi buo na naibibigay sa PhilHealth ang kabuuang nakalaang pondo rito mula sa mga buwis na nakokolekta sa mga sigarilyo, alak at sofdrinks, ayon sa mandato ng Sin Tax Law simula noong 2023.

Umiral ang Sin Tax Reform Law o Republic Act 10351 noong 2012 at nagtakda ito ng halaga para sa PhilHealth na hindi ibinibigay nang buo o kaya’y ganap na hindi ibinigay gaya ng nangyari noong 2024 at 2025.

Kapag pinagsama-sama umano ang mga tinapyas at hindi naibigay, tinatayang aabopt lahat sa nasa P200B.

Diin ni Go, kung ibibigay lamang ang kabuuang halaga, milyon-milyong Pinoy ang makikinabang sa Universal Health Care program na ipinatutupad pangunahin ng PhilHealth, kasama ang Department of Health.

Bilang vice chairman ng Senate committees on health and finance, binatikos nito ang paglilipat ng pondo ng PhilHealth sa National Treasury at tinawag itong hindi katanggap-tanggap at labag sa Konstitusyon, ayon na rin sa desisyon ng Supreme Court sa nasabing paglilipat noong 2024 at naulit pa ngayong 2025.

Dapat umanong mahatiran ang mga mamamayan ng mga de-kalidad na serbisyong pangkalusugan, lalo na sa parte ng mahihirap ngunit napagkakaitan dahil sa hindi buo o ganap na hindi pagbibigay ng pondo sa PhilHealth.

Dapat kasama rin umano na makinabang maging ang mga health care workers dito, partikular ang kanilang emergency allowance.

“We are still far from fully implementing that law,” Go said. “PhilHealth and its funds should be maximized. These resources should be used for our poor patients.”

Gayunman, sinabi ni Go na sa kabila ng mga kakulangan sa pondo, dapat pa ring kumilos ang PhilHealth at DOH para makamit ang layunin ng programang UHC.

“PhilHealth is for health. PhilHealth is for Filipinos. PhilHealth is not a business,” he said. “We need insurance. We need something to rely on when we get sick,” aniya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here