Home HOME BANNER STORY PH MEN’S BOWLING TEAM HUMAKOT NG 4 GOLD SA SEAG

PH MEN’S BOWLING TEAM HUMAKOT NG 4 GOLD SA SEAG

382
0

NI ARCHIE PERTEZ

NAIBULSA ng Philippine National Men’s Bowling Team ang apat na gintong medalya sa Tenpin Bowling Event sa 33rd Southeast Asian Games (SEA Games) na ginanap kahapon sa Blu-O Rhythm & Bowl, Major Cineplex Ratchayothin sa Bangkok, Thailand.

Tinalo ng Philippine Men’s Bowling Team sa pangunguna nina Kenneth Chua, Marc Dylan Custodio, Artegal Barrientos, at Mark Jesus San Jose ang host Thailand para maiuwi ang apat na gold medals at maidagdag sa naipong medalya ng bansa.

Tiniyak ng Philippine men’s bowling team na hindi sila aalis sa SEA Games sa Thailand na walang dala at sinigurong makukuha nila ang team-of-four title sa kabila ng mahigpit na laban kontra sa host Thailand.

Sa kabila ng paglalagay ng isang ganap na bagong lineup mula sa quartet na umangkin ng ginto tatlong taon na ang nakalilipas sa Vietnam, ang mga Pinoy, sa pangunguna ng men’s singles bronze medalist na si Mark San Jose, ay sumikat sa okasyon.

Pinangunahan ni San Jose, kasama sina Chua, Custodio, at Artegal Barrientos, ang PH Team na nangibabaw kontra sa host Thailand sa iskor na 981–865, sa gold medal match, na nagtapos sa isang matagumpay na kampanya para sa Pilipinas.

Pinasalamatan ng mga coach na sina (head coach) Josephine Canare, Orlean Batistil at Reynaldo Reyes ang mga manlalaro sa kanilang ipinakitang tapang sa pagsabak sa finals.

Kasama rin sa PH delegation ang mga bowling officials na sina Gina Avecilla at Archie Pertez.

Ayon kay Pertez humanga siya sa tapang at husay ng PH men’s bowling team dahilan para maiuwi nila ang karangalan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here