MANILA, Philippines – Tatlong weather systems ang magdadala ng maulap na kalangitan at pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa, ayon sa PAGASA sa kanilang pinakabagong ulat ngayong Sabado ng umaga.
Ayon sa ahensya, ang Easterlies ay magdudulot ng maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan, at thunderstorms sa mga rehiyon ng Bicol, Eastern Visayas, Central Visayas, Caraga, Northern Mindanao, Mainland Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon, at Davao Oriental.
ITCZ naman ay inaasahang makakaapekto sa Zamboanga Peninsula, Palawan, at iba pang bahagi ng Mindanao.
Sa Metro Manila at ibang lugar, inaasahan ang partly cloudy hanggang maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil sa easterlies.
Batanes at Babuyan Islands ay magkakaroon ng maulap na kalangitan at pag-ulan.
Sa extreme Northern Luzon at silangang bahagi ng Luzon at Visayas, inaasahan ang moderate hanggang malakas na hangin at moderate hanggang rough na alon sa baybayin.
Sa ibang bahagi ng bansa, magkakaroon ng mahina hanggang katamtamang hangin at bahagyang alon sa baybayin.
Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na maging handa sa posibleng pag-ulan at pagbabago ng panahon sa mga apektadong lugar. RNT/MND