Home HOME BANNER STORY Mga tindahan ng paputok sa Bocaue sinuyod ng PNP, Bulacan gov’t

Mga tindahan ng paputok sa Bocaue sinuyod ng PNP, Bulacan gov’t

345
0

Bulacan – Isa-isang sinuyod ng mga awtoridad ang mga tindahan ng paputok upang tiyaking ligtas ang publiko o ang mga mamimili sa bayan ng Bocaue nitong umaga ng Disyembre 22.

Pinangunahan mismo nina Acting chief, PNP Lt. Gen. Jose Melencio Natatez Jr, PRO3 Regional Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, Bulacan police director PCOL Angel Garcillano, Governor Daniel Fernando, Vice Governor Alex Castro, at iba pa ang pag-inspeksyon sa mga pyrotechnic stalls sa Brgy. Turo para tiyaking nakakasunod ang mga ito sa safety standards sa kasagsagan nang pagdagsa ng mga parokyano sa lugar.

Hinimok din ng pulisya ang mga dealers na sumunod sa mga regulasyon at hinikayat din ang mga unlicensed manufacturers na maging legal ang kanilang operasyon.

Kasabay nito, inilabas din ng mga awtoridad ang mga dapat at hindi dapat bilhing paputok dahil sadyang delikado sa mga parokyanong magpapaputok nito.

Sa illegal firecrackers na sadyang delikado ay pinangunahan ng kabase, binladen, tuna, kingkong, kwiton bomb, atomic bomb, plapla, piccolo, dart bomb, coke in can, giant atomic, goodbye philippines, goodbye chismosa, carina, ulyssis, yolanda at pepito.

Samantalang sa legal firecrackers ay ang V light, 5 colors, roman candle, 3 star, tungkod, jumbo silver, crackling, small gold, super jumbo crackling, batibot, super jumbo, sparklers, whisky, higad at kwitis.

Sinasabing habang papalapit ang bagong taon ay posibleng tumaas ang presyo ng mga paputok. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here