Home ENTERTAINMENT Juliana at Ricci, magjowa na?

Juliana at Ricci, magjowa na?

342
0

Manila, Philippines – Hindi lang mabanggit ni Richard Gomez ang pangalan pero posibleng si Ricci Rivero ang nobyo ngayon ng anak na si Juliana.

Si Ricci, 27, ay ang aktor at basketbolista na na-link noon kay Andrea Brillantes.

Pagkatapos ay naging boypren ng dating beauty queen at Los Baños Councilor Leren Bautista.

Sa kanyang guesting sa Fast Talk with Boy Abunda, nabanggit ni Richard na may umaaligid daw sa anak, na hiwalay na daw kay Miggy Bautista na isa ring fencer tulad ni Juliana.

Lalo pang umugong ang hinalang magnobyo na sina Juliana at Ricci nang mamataan ang huli noong lumaban ang dalaga sa 33rd Sea Games na ginaganap sa Chonburi, Thalland.

Sa paglalarawan ni Goma (tawag kay Richard), tulad niya’y tall, dark and handsome si Ricci.

At kung sisipating maigi ay mukhang bagay naman sina Juliana at Ricci.

Wala namang magiging problema on either side dahil kapwa sila unattached.

Payo lang ni Goma sa anak, Juliana should be aware of her limitations lalo’t maganda ang 25 anyos na anak kay Ormoc City Mayor Lucy Torres-Gomez. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here