MANILA, Philippines — Naglunsad ang Bureau of Customs (BOC) ng online tracking portal para sa door-to-door delivery ng “balikbayan” boxes para sa mga pamilya ng overseas Filipino workers (OFWs).
Ayon sa BOC, maaaring bisitahin ng publiko ang https://customs.gov.ph/home/overseas-filipino-worker-ofw/
upang malaman ang status ng kanilang mga box, kasama ang Bill of Lading, container number, consolidator, de-consolidator, bansa ng pinagmulan, at iba pang detalye ng delivery.
Pinayuhan din ng ahensya na walang kailangang bayad sa paghahatid at patuloy na ina-update ang website sa bawat door-to-door rollout. Maaaring mag-email sa [email protected]
para sa mga katanungan.
Inihayag ni Commissioner Ariel Nepomuceno na ang rollout ng humigit-kumulang 130,000 balikbayan boxes ay nagsimula noong Dec. 18 at inaasahang matatapos sa unang linggo ng Enero 2026, alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Dave Baluyot