Home NATIONWIDE Disgrasya sa daan sa holiday, dumami sa drunk driving

Disgrasya sa daan sa holiday, dumami sa drunk driving

285
0

MANILA, Philippines — Dumoble ang bilang ng mga nasugatan sa mga aksidente sa kalsada sa panahon ng Pasko at Bagong Taon 2024–2025, na umabot sa 11,146 pasyente, ayon sa Department of Health (DOH).

Batay sa datos mula sa Online National Electronic Injury Surveillance System, halos doble ito kumpara sa 5,785 kaso noong Oktubre at Nobyembre 2024.

Sa kabuuang bilang, 1,173 pasyente ang naitala na uminom ng alak, na nagpapakita ng kaugnayan ng impaired driving sa malulubhang aksidente.

Ayon sa DOH, ang pagtaas ng kaso ay sumasalamin sa taunang trend ng mas maraming biyahe, long-distance travel, at holiday gatherings na nagpapataas ng panganib sa mga pangunahing kalsada. Pinayuhan ang mga motorista na umiwas sa pag-inom ng alak at magpahinga nang sapat bago bumiyahe, lalo na sa mga long-distance travel.

Ang advisory ay bahagi ng Ligtas Christmas 2025 campaign ng DOH, na naglalayong mabawasan ang preventable injuries at maiwasang ma-overwhelm ang mga ospital sa holiday season. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here