Home NATIONWIDE Iringang Ridon, Leviste tumitindi

Iringang Ridon, Leviste tumitindi

228
0

MANILA — Humiling si Batangas Rep. Leandro Leviste kay House Public Accounts Committee Chair Terry Ridon na i-recuse ang sarili mula sa imbestigasyon sa mga budget insertions sa 2025 national budget na umano’y may kinalaman ang Bicol Saro party-list.

Ayon kay Leviste, dapat siyasatin ng kongreso ang mga DPWH projects na ipinagkaloob sa Bicol Goldrock Construction, GCI Construction at iba pang kumpanya ng Ibasco na umaabot sa higit P42.3 bilyon sa Bicol at P4.68 bilyon sa Batangas, pati na ang dalawang road projects ng Bicol Saro party-list na nagkakahalaga ng tig-P75 milyon.

Sa kabilang banda, itinanggi ni Ridon ang akusasyon, binanggit na hindi siya miyembro ng Kongreso noong 2024 nang idevelop ang 2025 budget.

Ayon sa kanya, dapat munang bawiin ni Leviste ang alegasyon ng P150 milyon na insertion bago pag-usapan ang iba pang isyu. Idiniin din ni Ridon na dapat ipalabas ni Leviste ang umano’y listahan ng mga proponents ng insertions mula kay yumaong DPWH Undersecretary Catalina Cabral kung tunay na naghahanap siya ng katotohanan.

“Kung kayo’y naghahanap ng katotohanan at hawak ang isang authentic na dokumento, walang dahilan na hindi ito ipalabas. Kung hawak niya ang listahan na magbabago ng laro sa kontrobersiya sa flood control, dapat itong ilabas agad,” ani Ridon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here