MANILA, Philippines – Pinayuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga media sa buong mundo na maging maingat sa pag-uulat tungkol sa koneksyon ng Pilipinas sa nakamamatay na insidente sa Bondi Beach sa Australia.
Noong Disyembre 23, inihayag ng DFA ang panawagan sa media na “to ensure accuracy, balance, and context in their reporting” at “avoid sweeping generalizations and amplifying speculation that may spread misinformation or inflame prejudice.”
Dumating ang panawagan matapos ilang dayuhang media outlets naitala ang Pilipinas bilang “terror hotspot” matapos iulat na naglakbay sa bansa ang mga suspek na sina Sajid Akram, 50, at kanyang anak na si Naveed Akram, 24, bago ang atake noong Disyembre 14 na ikinamatay ng 15 katao. Nanatili sila sa isang hotel sa Davao City mula Nobyembre 1 hanggang Nobyembre 28.
Binanggit ng DFA na malaki na ang nagawa ng pamahalaan sa pagpapaigting ng seguridad sa bansa at binigyang-diin ang kahalagahan ng pagpapahintulot sa awtoridad na tapusin ang kanilang imbestigasyon.
“The Philippine Government is in close coordination with Australian authorities through existing bilateral mechanisms to verify information related to the matter, in line with established security and law enforcement cooperation,” ani DFA.
Idinagdag ng DFA na patuloy itong nakikipagtulungan sa mga rehiyonal at internasyonal na hakbang laban sa terorismo at marahas na ekstremismo sa pamamagitan ng information sharing, law enforcement collaboration, at border security cooperation. Dave Baluyot