MANILA, Philippines – Hindi magbibigay ng exemption ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga kompanya na hindi tatalima sa pagbibigay ng 13th month pay ng kanilang mga empleyado na itinakda ang huling araw ay noong Disyembre 24.
Ayon sa DOLE, wala nang tatanggapin na request para sa exemption o deferment ng pagbabayad kapag lumagpas sa nasabing petsa.
Paalala rin ng labor department sa mga kumpanya na magsumite ng report na patunay na sumunod sa pagbibigay at ipapadala sa pamamagitan DOLE Establishment Report System.
Mahigpit ding imo-monitor ng mga kaukulang DOLE Regional, Field, o Provincial Office kung naibigay nang tama ang 13th month pay ng mga manggagawa.
Samantala, ipinaalala rin ng Labor Department ang tamang pagpapasahod ngayong holiday kung saan 30 percent ng sahod ang madadagdag sa kanilang unang walong oras ng pagtatrabaho. Jocelyn Tabangcura-Domenden