Home ENTERTAINMENT Kaso ni Sandro, dedesisyunan na!

Kaso ni Sandro, dedesisyunan na!

270
0

Manila, Philippines – Mahigit isang taon na mula nang sampahan ng kaukulang kaso ni Sandro Muhlach ang dalawang independent contractors na sinapit nito sa GMA Gala.

Up to this day, ongoing pa rin ang kaso.

Pero ang maganda sa itinatakbo nito, mukhang forthcoming o nalalapit nang madesisyunan ito.

Mismong ang mag-amang Niño Muhlach at Sandro ang nagbigay ng updates sa kaso.

Sa ngayon, nai-present na ng kanilang panig ang mga witness.

Ang kabilang kampo naman ang nakatakdang magprisinta ng sa kanila–after which ay up for final review na ito at saka ibababa ang verdict.

All this time, hindi humulagpos ang mag-ama sa kanilang paniniwala that justice would prevail in the end.

Sa ngayon din ay masasabing fully recovered na si Sandro from the trauma–thanks to his supportive family who has helped him carry through.

Aminado ang binata–na kapansin-pansin na ang laki ng iginanda ng pangangatawan–that his experience had taken a heavy toll on his showbiz career.

To keep his mind off it, but na lang ay naging abala siya sa kanilang family business.

Nakatulong din nang malaki ang recent Hongkong trip ng kanilang buong pamilya, further strengthening their bond.

Sa Macau naitala ni Sandro ang world record bilang kauna-unahang Pinoy na nagtagumpay sa bunjee jumping. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here