Home NATIONWIDE Hiling sa SC: Ruling ng Comelec sa pagtanggap ni Chiz ng donasyon...

Hiling sa SC: Ruling ng Comelec sa pagtanggap ni Chiz ng donasyon sa contractor, ipawalang-bisa

288
0

MANILA, Philippines – Nagsumite ng petisyon sa Korte Suprema ang isang guro na humihiling na ipawalang-saysay ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na nagbasura sa kaso ni Senator Francis “Chiz” Escudero na may kaugnayan sa P30-million na kontribusyon sa kampanya mula sa isang contractor.

Ang petisyon ay inihain ni John Barry Tayam, isang guro at concerned citizen nitong Biyernes, Disyembre 26.

Ayon kay Tayam, hinihiling niya sa Supreme Court na repasuhin ang desisyon ng Comelec’s Political Finance and Affairs Department (PFAD) na nagrekomenda na wakasan ang imbestigasyon kay Escudero at sa donor na si Lawrence Lubiano, presidente ng Centerways Construction and Development Inc.

Sa petisyon, sinabi ni Tayam na dapat ipawalang-bisa ng Korte Suprema ang resolusyon ng Comelec at simulan ang tamang proseso laban kay Escudero at Lubiano para sa posibleng paglabag sa Section 95 (c) ng Omnibus Election Code.

Ang Section 95 ng Code ay nagbabawal sa mga natural at juridical na tao na may kontrata sa gobyerno na magbigay ng donasyon sa politika.

Si Tayam ay nangatuwiran na si “Lubiano ay Centerways at ang Centerways ay si Lubiano” dahil ang huli ay may 99% na pagmamay-ari sa kompanya.

Ayon sa petitoner, ang isyu ay mahalaga dahil kasangkot ang isang senador at isang may-ari ng kompanya na may kontrata sa mga proyekto ng flood control, na maaaring magpromote ng accountability at transparency.

Noong Oktubre, nagsumite si Escudero ng manifestation sa Comelec na ipinaliwanag ang kanyang posisyon sa P30 milyong kontribusyon na sinabing ito ay legal, fully declared at naaayon sa matagal nang ginagawang pamamaraan o sumusunod sa matagal nang nakasanayang practice o gawain. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here