MANILA, Philippines – Asahan na ng mga komyuters na walang pagtaas ng pamasahe sa susunod na taon sa Metro rail Transit Line 3 o MRT 3.
Ayon sa MRT-3, walang napag-uusapan na pagtaas ng pamasahe o fare hike sa 2026.
Sinabi ni MRT-3 general manager Mike Capati na ang line stations ay aayusin muna lalo na ang mga escalator.
Aniya, sa papasok na taon hanggang 2027 ay mayroon silang papalitan na fully na escalator sa Taft Avenue at Ayala.
Unti-unti ring magde-deploy ng mga Dalian train ang MRT-3 at target nilang ma-deploy ang lahat ng 48 Dalian trains bago matapos ang 2026.
Makakatulong ito na mapanatili ang 3.5-minute headway ng mga pasahero at posibleng madagdagan ang kapasidad ng linya mula 500,000 pasahero kada araw hanggang 600,000-700,000 pasahero kada araw. Jocelyn Tabangcura-Domenden