MANILA, Philippines – Naglabas ang Department of Trade and Industry (DTI) ng updated list ng fireworks na may valid Philippine Standards (PS) Certification Mark License.
Ayon sa DTI, kabilang sa mga licensed manufacturers at kanilang brands ang:
–Diamond Fireworks Inc. (Diamond) – PS License Q-1469
Nagbigay rin ang DTI ng safety reminders para sa pagbili at paggamit ng paputok:
–Siguraduhing may PS Mark at license number ang fireworks
–Bumili lamang sa licensed manufacturers
–Basahin at sundin ang instructions bago gamitin
–Huwag gamitin ang fireworks kung may duda sa kaligtasan
–Huwag pulutin ang paputok na hindi sumabog
–Isara ang bintana at pinto para maiwasan ang stray fireworks
–Manood mula sa ligtas na distansya
–Huwag manakot o mag-prank gamit ang fireworks
–Gamitin ang long pole sa paglawan ng paputok
–Magsuot ng protective goggles at cotton o denim na damit
–Maghanda ng tubig o hose at first aid kit
Paalaala rin ng Philippine National Police ang mga ipinagbabawal na firecrackers at pyrotechnic devices (FCPD), kabilang ang mga overweight, oversized, at iba pang firecrackers tulad ng Five Star, Super Lolo, Giant Whistle Bomb, Atomic Triangle, at marami pang iba, na bawal gamitin kahit saan sa bansa. RNT/MND