Home NATIONWIDE PNP naka-alerto sa mga biyahero ngayong Bagong Taon

PNP naka-alerto sa mga biyahero ngayong Bagong Taon

257
0

MANILA, Philippines – Mas pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang presensya ng pulisya sa mga transport hub, pangunahing kalsada, at iba pang pampublikong lugar dahil sa pagdami ng mga biyahero para sa selebrasyon ng Bagong Taon.

Ayon sa pahayag ng PNP noong Linggo, inayos ang deployment ng kanilang mga yunit sa mahahalagang terminal, paliparan, at pantalan upang maayos na mapangasiwaan ang daloy ng mga pasahero.

“We expect another influx of passengers for the new year celebration, especially that there will be a long holiday break,” sabi ni acting PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.

“Our goal is to maintain police visibility for them to feel safe from the bus terminals, to the major thoroughfares and to their destinations.”

Sinuspinde ng Malacañang ang trabaho sa lahat ng tanggapan ng gobyerno noong Disyembre 29 at Enero 2, 2026.

Samantala, ang Disyembre 30 (Araw ni Rizal), Disyembre 31, at Enero 1, 2026 ay mga tradisyunal na non-working holidays.

Nauna nang inanunsyo ng PNP na mahigit 100,000 pulis ang ide-deploy sa buong bansa para sa holiday season, mas mataas kumpara sa 60,000 personnel noong nakaraang taon.

“The mere presence of our personnel on the ground already serves as an assurance to our kababayan (countrymen) that assistance will be there,” dagdag ni Nartatez. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here