Home NATIONWIDE 2 Chinese national nasagip, 2 dayuhan tiklo sa illegal detention sa Taguig

2 Chinese national nasagip, 2 dayuhan tiklo sa illegal detention sa Taguig

247
0

MANILA, Philippines – Nasagip ang dalawang Chinese national na umano’y ikinulong ng dalawang dayuhan sa isang commercial building sa Bonifacio Global City sa Taguig City.

Sa pahayag, sinabi ng Philippine National Police (PNP) na naaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Southern Metro Manila District Field Unit ang 32-anyos na lalaking Chinese at 30-anyos na lalaking Taiwanese dahil sa umano’y serious illegal detention.

Ito ay matapos na makatanggap ng hiling ang mga awtoridad ng tulong mula sa isa pang Chinese national na kaibigan ng dalawang biktima.

Ang mga suspek na may opisyal at employer ng isang construction firm, ay illegal umanong ikinulong at sinaktan pa ang dalawang biktima matapos silang magpahayag ng pagnanais na mag-resign na sa trabaho.

Sa operasyon noong Disyembre 20, nadiskubre ng pulisya ang nakakandadong kwarto kung saan nakatago ang dalawang biktima.

Mayroon ang mga itong sugat at pasa sa katawan na indikasyon ng physical abuse.

Ayon kay PNP acting chief Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr., ang pulisya “will not hesitate to act when human dignity and freedom are violated.”

“No one is above the law, regardless of nationality. Hindi namin papayagan ang ilegal na pagkakakulong at pananakit. Agad kaming kikilos upang mailigtas ang mga biktima at papanagutin ang mga may sala,” dagdag pa niya.

Ang mga suspek ay nahaharap sa reklamong serious illegal detention sa National Prosecution Service (NPS). RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here