Home ENTERTAINMENT Derek, suot pa rin ang wedding ring!

Derek, suot pa rin ang wedding ring!

264
0

Manila, Philippines – Natuloy na nga ang UK vacation ni Derek Ramsay, made even more meaningful dahil napagbigyan siya ng kanyang estranged wife na si Ellen Adarna sa kanyang hiling to tag their daughter Lili along.

Makikita sa Instagram ng aktor ang bonding moments nilang mag-ama.

Ito’y kung saan karay-karay ni Derek si Lili sa mga pasyalan.

Post ng aktor while cradling Lili at pinadedede niya ito: “My back is killing me, my dear.”

Ginalugad ng mag-ama ang Bourton-on-the-Water, Gloucestershire na matatagpuan sa England.

Go din sila sa candy shop.

What’s more admirable about Derek ay the fact na suot-suot pa rin niya ang wedding ring nila ni Ellen.

Nasa Cebu naman si Ellen at nagbabakasyon ito.

Ayon sa mga netizens, it only goes to show na umaasa pa daw si Derek na magkakabalikan sila ni Ellen.

Derek’s UK respite serves as a refresher bago siya sumabak sa TV5 serye na The Kingdom playing the role of Bossing Vic Sotto sa film version nito. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here