Home ENTERTAINMENT Jimmy Regino, pumanaw na!

Jimmy Regino, pumanaw na!

299
0

California, USA – Isa na namang April boy ang nalagas makaraang pumanaw si Jimmy Regino.

Si Jimmy ay kapatid ni April Boy who passed away on November 29, 2020.

Mismong ang kapatid nilang si Vingo ang nagkumpirma ng pagkamatay ni Jimmy.

“Wala na ang kapatid kong si Jimmy….. nakakalungkot ang buhay,” post ni Vingo sa kanyang Facebook account nitong December 27.

May mensaheng nais itawid ni Vingo para sa mga tagahanga ng musical duo nila ni Jimmy.

“Sa lahat po ng mga fans ng April Boys, pumanaw na po ang kapatid kong si Jimmy. Hindi na po natin maririnig ang boses niya,” aniya.

Saad pa ni Vingo: “Mahal na mahal ko po ‘yung kapatid ko. Masakit po ‘yung nangyari sa akin na mawalan ng kapatid.”

Nagkita pa raw sila ni Jimmy bago ito namaalam.

Doon daw ‘yon sa ospital kung saan matagal daw naka-confine si Jimmy.

“Parang hinintay lang niyang magkita kami bago siya ‘umalis’,” saad ni Vingo.

Kabilang sa mga awiting pinasikat nina Jimmy at Vingo ay Ganyan Talaga ang Pag-ibig, Labs Kita at Honey, My Love.

Mula sa Remate Online, ang aming taospusong pakikiramay sa mga naulila ni Jimmy Regino. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here