MANILA, Philippines – Nakapagtala ng higit sa 120,000 paashero ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga pantalan sa buong bansa isang araw bago ang Bisperas ng Bagong Taon.
Sa isang advisory, sinabi ng PCG na nakamonitor ito ng kabuuang 126,730 pasahero mula tanghali hanggang 6 ng hapon nitong Martes, Disyembre 30 na may 65,626 outbound at 61,104 inbound paseengers.
Bukod sa pagmonitor ng pagdagsa ng mga pasahero, nagdeploy din ang ahensiya ng mga frontline personnel na nag-inspeksyon ng 467 barko at 802 motorbanca.
Upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa panahon ng holiday travel rush, inatasan ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapatibay ng presensya ng pulis sa mga pangunahing lansangan sa buong bansa.
Nagdeploy ang PNP ng 56,785 tauhan sa mga pangunahing kalsada, terminal ng transportasyon, at iba pang mga lugar na may mataas na trapiko, kasama ang 11,129 opisyal na nakatalaga sa mga motorist assistance hub upang magbigay ng tulong sa mga manlalakbay. Jocelyn Tabangcura-Domenden