MANILA, Philippines – Pinangunahan ni Nueva Ecija Police director, PCol. Heryl Daguit Bruno ang pag-iinspeksyon sa mga tindahan ng paputok sa iba’t ibang bayan at lungsod sa lalawigan ngayong Bisperas ng Bagong Taon.
Ito ay para tiyaking walang magbebenta ng mga ipinagbabawal na paputok at sumusunod ang mga nagtitinda na sila ay nasa designated area lamang ng merkado.
Bawat tinahan ay hinanapan ng permits at mga gamit pang-apula ng apoy tulad ng tubig, buhangin at fire distinguisher.
Mula sa Cabanatuan City, tumulak ang mga awtoridad at inisa-isa ang mga tindahan sa San Jose City, Talavera at Gapan City.
Wala namang nakitang paglabag at nakuhang mga iligal na puputok ang mga pulis.
Nagpaalala ang mga awtoridad sa publiko na maging maingat sa pagsalubong sa Bagong Taon. MARINA BERNARDINO SY