Home NATIONWIDE P1.1-B puslit na yosi, nasabat ng PNP sa Batangas, pero walang nahuli

P1.1-B puslit na yosi, nasabat ng PNP sa Batangas, pero walang nahuli

212
0

MANILA – Natuklasan ng Philippine National Police ang smuggled cigarettes na nagkakahalaga ng P1.1 billion sa Batangas City sa isang anti-carnapping operation sa Bisperas ng Bagong Taon.

“We need to identify and run after those responsible.” Dagdag pa niya, “Tiyak ako na involved din ang mga ito sa ibang smuggling activities. Hindi natin ito palalampasin,” ani acting PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez.

Natuklasan ang mga kontrabando matapos masundan ng HPG operatives ang isang ninakaw na red Hyundai Accent sa Sitio Singko, Balete, kung saan may mga truck at container van na naglalaman ng smuggled cigarettes.

Walang naaresto, ngunit nakikipag-coordinate ang PNP sa Bureau of Customs at iba pang ahensya para sa karagdagang imbestigasyon.

“These smugglers are robbing the Filipino people of tax and other financial obligations to the national government. Their illegal activities have serious economic impact, and this must be stopped,” dagdag pa ni Nartatez, at iniutos niyang ihanda ang matibay na kaso laban sa mga responsable.

Sa kaugnay na operasyon sa Malabon City, apat na indibidwal ang naaresto at tinatayang PHP1.5 billion na halaga ng unregistered cigarettes ang nakumpiska matapos habulin ng pulis ang dalawang motorcycle rider na hindi sumunod sa checkpoint. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here