Home METRO 6-anyos sugatan sa pagpapaputok ng boga

6-anyos sugatan sa pagpapaputok ng boga

213
0

NEGROS ORIENTAL – Isang 6-anyos na lalaki ang nasugatan sa kamay matapos subukang paputukin ang isang boga sa Tanjay, Negros Oriental.

Ayon sa ulat, ilang ulit umanong sinubukan ng bata na paputukin ang boga na pag-aari ng kaniyang tiyuhin, ngunit nabigo hanggang sa biglang magliyab ang dulo nito at tamaan ang kaniyang mga kamay.

Nagamot na ang bata sa isang klinika at pinayagang makauwi.

Ayon sa pulisya, dalawa pang menor de edad ang nasugatan dahil sa boga, habang isang babae naman ang tinamaan ng kuwitis sa binti.

Sa kabuuan, 17 na ang naitalang biktima ng paputok sa Tanjay ngayong Bagong Taon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here