Home METRO 3 mangingisda nasagip ng US naval ship sa Pangasinan

3 mangingisda nasagip ng US naval ship sa Pangasinan

209
0

ZAMBALES, Philippines – Dumating sa Subic Bay Freeport noong Biyernes, Enero 2, ang United States Naval Ship (USNS) Cesar Chavez na may sakay na tatlong mangingisdang Pilipino na nasagip sa karagatan ng Pangasinan.

Kinilala ang mga mangingisda na sina Michael Lebios, 52; Michael John Lebios, 29; at Lotjun Lupague, 32, pawang mga residente ng Barangay Cato, Infanta.

Ayon sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), nakita ng US naval ship ang mga mangingisda na nasa alanganin bandang 63 nautical miles west-northwest ng Cape Bolinao habang patungo ito sa Subic para sa isang routine port call noong Enero 1.

Isinakay ng mga tripulante ng USNS Cesar Chavez ang mga mangingisda at binigyan ng paunang lunas bago sila i-turn over sa SBMA Public Health and Safety Department para sa medical assessment at dokumentasyon.

Patuloy na kinokoordina ng mga awtoridad ang kanilang pag-uwi at pagsasailalim sa lokal na pamahalaan ng Infanta at sa kanilang mga pamilya.

Pinuri naman ni SBMA Chair at Administrator Eduardo Jose Aliño ang koordinadong pagsisikap ng US naval ship at ng mga ahensiya ng gobyerno sa pagtulong sa mga lokal na mangingisda at sa pagpapanatili ng kanilang kaligtasan sa karagatan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here