CEBU CITY, Philippines – Ayon sa Cebu City LGU, 70 porsyento nang handa ang lungsod para sa Feast of the Señor Santo Niño at Sinulog Festival 2026, na gaganapin sa Enero 18.
Ani Councilor Dave Tumulak, Sinulog 2026 in-charge, natitira ang 30 porsyento para sa mga detalye ng programa.
Sinimulan ng Sinulog Foundation, Inc. nang maaga ang paghahanda para sa maayos na daloy ng Grand Parade at programa.
Magbubukas ang grand parade sa isang Holy Mass na pamumunuan ni Archbishop Emeritus Jose Palma at inaasahang matatapos bandang 7 p.m.
Magkakaroon ng bleachers at portalets sa ruta, at hinihikayat ang mga establisyimento na payagang gumamit ng comfort rooms.
Magde-deploy ang PNP ng 10,000 pulis at force multipliers para sa seguridad ng festival. Ang send-off ceremony ay naka-iskedyul sa Enero 5, habang magsisimula ang Misa Novena sa Enero 8 hanggang sa araw ng pista. RNT/MND