Home NATIONWIDE Erice maghahain ng petisyon sa SC kung ‘di i-veto unprogrammed funds sa...

Erice maghahain ng petisyon sa SC kung ‘di i-veto unprogrammed funds sa 2026 budget

252
0

MANILA, Philippines – Ayon kay House Senior Deputy Minority Leader Rep. Edgar Erice, handa siyang maghain ng petisyon sa Supreme Court laban sa unprogrammed funds sa 2026 national budget kung hindi ito i-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“Ang aking problema yung constitutionality ng unprogrammed appropriations at kung hindi yan ive-veto ng Presidente, nakahanda yung legal team ko, kasalukuyan kaming gumagawa ng draft, nung petition sa Supreme Court,” ani Erice noong Linggo.

Ipinaliwanag niya na kahit mas maayos ang 2026 budget kumpara sa nakaraang tatlong taon, may unprogrammed appropriations pa rin na hindi dapat kasama. Halimbawa, ang retirement ng mga teachers at salary increase nila ay dapat nasa programmed funds.

Ang unprogrammed appropriations ay mga pondong ilalaan lamang kung may excess government revenue o ibang mapagkukunan gaya ng loans o special laws.

Noong Disyembre, nirehistro ng House at Senate ang P6.793-trilyong 2026 national budget, na naglalaman ng P243 bilyong unprogrammed funds. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here