MANILA, Philippines – Nagsagawa ng ocular Inspector ang Metropalitan Manila Development Authority sa Quirino Grandstand sa Maynila, ilang araw bago ang pagdiriwang ng Pista ng Jesus Nazareno sa Enero 9.
Pinangunahan ito ni MMDA General Manager Nicolas Torre III kung saan isasagawa ang Pahalik sa Poong Nazareno, vigil, Misa Mayor, at iba pang aktibidad kaugnay ng pista.
Isa sa tutugunan o pagtutuunan ng MMDA ang pagsasaayos ng pila ng mga deboto, paglalagay ng mga bakod o fence, medical tents, at iba pang paghahanda upang matiyak ang kaligtasan ng mga deboto at lahat ng lalahok sa mga aktibidad.
Sinabi ni Torre na handa na ang MMDA para sa pista ngunit posible pa umanong magkaroon ng ilang pagbabago matapos ang isasagawang final walk-through kasama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mga Volunteers. Jocelyn Tabangcura-Domenden