MANILA, Philippines – Maglulunsad ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngayong 2026 ng tatlong bagong programa para sa adolescent mothers, children with disabilities, at young survivors ng online sexual abuse, ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian.
Ang ProtecTEEN ay nakatuon sa psychosocial support para sa teen mothers at kanilang pamilya upang matulungan silang maging produktibong miyembro ng lipunan.
Ang Project Aruga naman ay nagbibigay ng financial at iba pang suporta sa mga bata na may kapansanan at kanilang pamilya.
Samantala, ang Project SAFE ay layong protektahan, suportahan, at muling integrasyon sa lipunan ng mga batang biktima ng online sexual abuse at exploitation, at maiwasan ang re-victimization.
“Sinisigurado natin na nailalayo natin mula sa panganib na activities online ang ating mga kabataan,” ani Gatchalian.
Aniya, patuloy ang DSWD sa pagbibigay ng tulong at pag-asa sa bawat pamilyang Pilipino sa buong bansa.
“Trabaho namin na tumulong… at maibalik ang pag-asa sa bawat pamilyang Pilipino,” dagdag niya. RNT/MND