Home NATIONWIDE Kampanya laban open pipe, mod mufflers ng motorsiklo, palalawakin ng PNP

Kampanya laban open pipe, mod mufflers ng motorsiklo, palalawakin ng PNP

287
0

MANILA, Philippines – Nais ng Philippine National Police (PNP) na palakasin ang pagpapatupad ng batas laban sa motorsiklo na may open pipe at ilegal na modified mufflers upang itaguyod ang disiplina sa kalsada.

Ayon kay Acting PNP Chief Lt. Gen. Jose Melencio C. Nartatez, Jr., nakikipag-ugnayan ang pulisya sa mga lokal na pamahalaan para sa mas malawak at koordinadong kampanya sa buong bansa.

“We want to encourage compliance and help riders understand that vehicle modifications are regulated by law,” ani Nartatez.

Sa NCR, pinaigting ang operasyon laban sa mga riders na gumagamit ng open pipe noong New Year’s upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan, partikular sa residential areas.

Sa Taguig City, isinagawa ang Oplan Sita sa Barangay Pinagsama, na nagresulta sa 15 na naaresto dahil sa paglabag sa city ordinances, kabilang ang 5 riders para sa ilegal na exhaust system na nakumpiska.

Binigyang-diin ni Nartatez na ang open pipes ay hindi simpleng traffic concern kundi isyu sa kaligtasan, kaayusan, at noise pollution.

Pinaliwanag din niya na hindi ito anti-rider policy, kundi hakbang para sa ligtas, legal, at responsable na pagmamaneho. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here