Home NATIONWIDE Maritime patrols sa PH waters pinalalakas ng multilateral exercises

Maritime patrols sa PH waters pinalalakas ng multilateral exercises

208
0

MANILA, Philippines — Pinalalawak at pinatitibay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kakayahan nitong magbantay sa karagatan ng bansa sa pamamagitan ng multilateral maritime cooperative activities (MMCA) na isinasagawa kasama ang mga kaalyadong bansa.

Ayon kay Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, tagapagsalita ng Philippine Navy para sa West Philippine Sea (WPS), itinuturing na ngayon ang MMCAs bilang bahagi ng aktuwal na operasyon at hindi na lamang simpleng pagsasanay.

“Ang mga MMCA ay bahagi na ng aming operational design. Dahil dito, mas marami kaming nasasaklaw na bahagi ng ating karagatan,” pahayag ni Trinidad.

Aniya, naging opisyal na polisiya ito noong unang quarter ng 2024 sa direktiba ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr.

Isinasagawa ang MMCAs sa West Philippine Sea at sa katimugang bahagi ng bansa. Para sa 2025, walong MMCA at 12 bilateral maritime cooperative activities ang nakatakdang isagawa ng Pilipinas kasama ang mga kaalyado nito.

Dagdag pa ni Trinidad, agad ipaaalam sa publiko kung may iba pang bansang sasali sa mga naturang aktibidad sa sandaling ito ay tuluyang mapinal na. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here