Home NATIONWIDE P3.2M shabu nasabat sa dalawang tulak sa Olongapo

P3.2M shabu nasabat sa dalawang tulak sa Olongapo

537
0

OLONGAPO CITY- Timbog sa mga awtoridad ang dalawang high value drug suspek at masamsam sa mga iti ang nasa mahigit P3.2 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang serye ng buybust operation ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa Olongapo City.

Batay sa ulat kay Central Luzon Police Director Brigadier General Ponce Rogelio Peñones Jr., sa report, unang nadakip ng Olongapo City Drug Enforcement Unit ang suspek na si Alyas ” Bash”, nasa wastong gulang na isang High Value Individual sa East Bajac-Bajac, Olongapo City.

Narekober sa suspek ang nasa 400 grams ng suspected shabu na standard drug price P2,720,000 at marked money na ginamit sa buybust.

Habang nadakip sa hiwalay na operasyon ang suspek na si Alyas “Kevin”, nasa hustong gulang at kabilang sa talaan ng mga HVI sa naturang lugar.

Nasamsam sa suspek ang nasa 78 gramo ng hinihinalang shabu na standard drug price ng P530,000 at ang buybust money.

Nasa kustodiya na ang mga nadakip na suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa mas pinaigting na Dangerous Drug Law. ROEL TARAYAO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here