Home METRO M6.8 lindol yumanig sa karagatan ng DavOcc

M6.8 lindol yumanig sa karagatan ng DavOcc

219
0

MANILA, Philippines – Isang magnitude 6.8 na lindol ang tumama sa karagatang silangan ng Balut Island sa Davao Occidental bandang alas-10:58 ng gabi noong Sabado, Enero 10, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sinabi ng Phivolcs na ang sentro ng lindol ay matatagpuan humigit-kumulang 315 kilometro timog-silangan ng Balut Island.

May lalim itong 10 kilometro at tectonic ang pinagmulan. Nilinaw rin ng ahensya na walang banta ng tsunami sa Pilipinas.

Naitala ang Instrumental Intensity II sa Malungon at Kiamba sa Sarangani; Koronadal City at Tupi sa South Cotabato; at Palimbang sa Sultan Kudarat.

Samantala, Instrumental Intensity I ang naranasan sa Magsaysay, Davao del Sur; Sta. Maria, Davao Occidental; Nabunturan, Davao de Oro; Maitum at Malapatan sa Sarangani; Banga, Tampakan, T’Boli, Surallah, at Santo Niño sa South Cotabato; at General Santos City.

Ayon sa Phivolcs, walang inaasahang pinsala at aftershocks mula sa lindol. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here