MANILA, Philippines – Tinanggihan ni Executive Secretary Ralph Recto ang mga tsismis tungkol sa umano’y nalalapit na Cabinet shake-up, na ayon sa kanya ay hindi nakakatulong sa gobyerno o sa publiko.
“At present, there is no impending Cabinet shake-up. Speculation about a looming revamp does not serve any constructive purpose for the government or the Filipino people,” sabi ni Recto.
Iginiit niya na lahat ng appointee ay nagsisilbi sa kagustuhan ng Pangulo at ang kanilang performance ay sinusuri ng Office of the President.
Pinayuhan ang lahat na magpokus sa kanilang trabaho para sa kapakanan ng mamamayan.
Pinabulaanan rin ni Palace Press Officer Claire Castro ang balita na papalitan si Tourism Secretary Christina Frasco ng dating PAL president na si Stanley Ng, gayundin ang mga Health Secretary Teodoro Herbosa at Education Secretary Sonny Angara ang nagkontra sa mga haka-haka. RNT/MND