Home METRO 22 durugista, P368-K droga timbog sa wantu-sawang buy-bust ops sa Bulacan

22 durugista, P368-K droga timbog sa wantu-sawang buy-bust ops sa Bulacan

189
0

BULACAN, Philippines – Arestado ang 22 indibiduwal habang nasa P368,000 halaga ng iligal na droga ang nasamsam sa magkakahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa lalawigang ito nitong Enero 13 at 14.

Sa ulat ni PMAJ Ian Sanchez, OIC ng Guiguinto police station, kinilala ang dalawang suspek na sina alyas “Manny”, 43 at alyas “Mike”, 34.

Ayon sa report, nakumpiska sa mga suspek ang 10 plastic sachets ng hinihinalang shabu na tumimbang ng 15.38 gramo at may standard drug price na P104,584.00 at buy-bust money.

Samantala, batay sa ulat ng Hagonoy, San Miguel, Malolos, Norzagaray, San Rafael, Calumpit, San Miguel, Marilao, Guiguinto at Bustos police station, ang kanilang Station Drug Enforcement Units ay nakahuli ng 20 indibiduwal at nakasamsam ng 30 sachets ng hinihinalang shabu at limang sachets ng tuyong dahon ng marijuana na nasa P263,888.00.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa mga istasyong humuli sa kanila. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here