Home NATIONWIDE Dizon: Pagkumpuni sa Maharlika highway kailangan ng “full plan” bago simulan

Dizon: Pagkumpuni sa Maharlika highway kailangan ng “full plan” bago simulan

205
0

MANILA, Philippines – Iniutos ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang pansamantalang pagpapatigil ng lahat ng procurement-related activities para sa pagkukumpuni ng Maharlika Highway, habang hinihintay ang pagbuo at paglalabas ng isang kumpletong rehabilitation plan.

Sinabi ito ni Dizon noong Biyernes matapos niyang inspeksyunin ang bahagi ng Lopez Viaduct sa Quezon province at mga kalsada sa Brgy. Binutasan, Calauag, Quezon.

Ayon kay Dizon, kung ipagpapatuloy ang dating paraan ng pagkukumpuni, mauuwi lamang ito sa panibagong “patch work.”

“For all the regions and districts na may pondo for Maharlika for this year, hold muna. Pahold mo na muna lahat ng may procurement for Maharlika this year. Let’s do a full plan na muna,” ani Dizon.

“I think that’s the way to go, kasi if we rely again with the districts na pinondohan ng district, pareho lang, it’s going to be patch work again, kailangan full rehab. Even if we pool it all together it’s not going to be enough. So pa-hold mo muna,” dagdag niya.

Kasama ang mga opisyal ng DPWH at media, nagsagawa si Dizon ng inspeksyon sa Bicol segment ng Maharlika Highway.

Nauna nang sinabi ng DPWH na uunahing isailalim sa malawakang rehabilitasyon ang nasabing highway. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here