Home NATIONWIDE PUVs makikinabang sa malawakang Maharlika Highway rehab

PUVs makikinabang sa malawakang Maharlika Highway rehab

174
0

MANILA, Philippines – Iginiit ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), makikinabang ang maraming public utility vehicles sa probinsya sa planong malawakang rehabilitasyon ng Maharlika Highway ngayong taon.

Binalaan ni LTFRB chairperson Vigor Mendoza II ang pagtiyak ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na uunahin ang Maharlika Highway at iba pang pangunahing kalsada.

Sinabi ni Mendoza na lalo itong makakatulong sa public utility buses dahil pangunahing ruta ng mga bus ang Maharlika Highway.

“Napakatagal nang inirereklamo ng mga bus operators ang sira-sira at bako-bakong mga daan sa probinsya. At noon pa man ay talagang sinasabi na natin na ang sira-sirang daan ay may matinding epekto sa mga transport operators dahil dagdag maintenance expenses ito,” ani Mendoza.

Dagdag niya na makikinabang din ang ibang public utility vehicles tulad ng jeepney, UV Express vans, at maging mga traysikel sa mga pag-aayos ng kalsada.

Saklaw ng Maharlika Highway ang humigit-kumulang 3,500 kilometro mula Hilagang Luzon hanggang katimugang Mindanao, at inaasahang aabot sa hindi bababa sa P16 bilyon ang gastos para sa end-to-end repair nito.

Sinabi ni Mendoza na suportado rin ng proyekto ang kampanya ng LTFRB at ng pamahalaan para sa road safety, at binanggit na ang masamang kondisyon ng kalsada ay isa sa pangunahing sanhi ng aksidente.

Binanggit din ni Mendoza ang karanasan ni DPWH Secretary Vince Dizon bilang dating Transportation Secretary bilang dahilan ng kanyang pagtutok sa mga road repairs, at sinabi niyang may tiwala ang publiko sa proseso dahil si Dizon mismo ang nangunguna sa kampanya ng DPWH para sa “truth, transparency and accountability.”

Inanunsyo rin ng DPWH na isinasagawa nito ang malawakang pag-aayos ng Andaya Highway at rehabilitasyon ng EDSA.

“We are looking forward to these repairs because we believe that this will have significant positive effects on the transport sector,” dagdag ni Mendoza. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here