Home NATIONWIDE Walang special treatment kay Bong Revilla – Remulla

Walang special treatment kay Bong Revilla – Remulla

261
0

MANILA, Philippines – Siniguro ni Interior Secretary Jonvic Remulla nitong Martes, Enero 20 na walang magiging special treatment para kay dating senador Ramon Bong Revilla Jr. na sumuko kasunod ng inilabas na arrest warrant kaugnay sa umano’y ghost flood control project sa Bulacan.

“I assure you walang magiging special treatment,” sinabi ni Remulla sa isang press briefing.

Ibinahagi niya na personal siyang tinawagan ni Revilla matapos malaman ang paglalabas ng arrest warrant laban sa kanya.

“Tumawag siya sa akin kahapon… sabi ko best na mag-surrender ka na,” ani Remulla.

Sumuko si Revilla sa Camp Crame nitong Lunes ng gabi at agad na isinailalim sa standard booking at custodial procedures.

“He was made to go through the entire process kung paano magtanggap ng isang voluntary surrender,” dagdag pa ni Remulla.

Bilang bahagi rin ng proseso ay obligado si Revilla na isuko ang lahat ng kanyang lisensyadong armas na aabot sa 20.

Nitong Martes ng umaga ay dinala si Revilla sa Sandiganbayan para sa pagbabalik ng warrant.

Ang korte ang magdedesisyon kung saan ito idi-detain.

“And we are now ready to bring him to the Sandiganbayan kung saan sila ang magdedesisyon kung saan siya idedetine. Wala na po sa kamay namin ‘yan,” ani Remulla.

Nilinaw din ni Remulla na ang Camp Crame custodial center ay wala sa pagpipilian.

“Hindi na pwede. It’s up for demolition anytime this month.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here