MANILA, Philippines – Tumulong na ang Philippine Coast Guard sa nagpapatuloy na search and rescue operation sa mga tripulante ng isang barko na lumubog nitong Biyernes ng madaling araw sa katubigan sakop ng Sabangan Point, Agno Bay, Pangasinan.
Ngayong umaga ipinadala ang BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) upang hanapin ang mga nawawalang tripulante ng M/V Devon Bay.
Pinalitan din ang kanilang Islands aircraft ngayong umaga para magsagawa ng aerial search sa lawak ng baybayin sa Agno bay.
Ayon sa PCG, kinumpirma ng K-Line Roco Bulkang Ship Management Co.LTd na 17 indibidwal na ang na rescue ng China Coast Guard (CCG) habang apat na iba pa ang nawawala o pinaghahanap.
Nauna na ring kinumpirma na dalawa na ang natagpuang patay sa 23 Filipino crew na sakay ng cargo vessel. Jocelyn Tabangcura-Domenden