Home NATIONWIDE Pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa, asahan ngayong Lunes

Pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa, asahan ngayong Lunes

209
0

MANILA, Philippines – Ayon sa PAGASA, maraming bahagi ng bansa ang makakaranas ng pag-ulan ngayong Lunes dahil sa dalawang weather system.

Ang shear line ay magdudulot ng scattered rains at isolated thunderstorms sa Caraga, Eastern at Central Visayas, Sorsogon, Masbate, Camiguin, at Misamis Oriental.

Maaaring magdulot ito ng flash floods o landslides sa mga apektadong lugar.

Ang northeast monsoon o “amihan” naman ay maghahatid ng light rains sa Cagayan Valley, Visayas, Bicol Region, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Aurora, Quezon, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, at maging Metro Manila at ibang bahagi ng Luzon.

Sa Mindanao, inaasahan ang isolated rain showers dulot ng localized thunderstorms.

Magiging malakas ang hangin at may mataas na alon sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here